“Kayang kaya mo yan, Corps Commander ehh..”
“Kainin mo yan, madaming vitamins….”
“ohhh Sarah magbusog ka na…”
“kumain ka na ba? kain ka na dito nagluto ako….”
“Kuh wala iyan…. engineer ka eh!”
“Ihahatid ba kita kina Ate?”
…..
“Heto oh, extrang baon mo….”
yeah..yeah….ilan ito sa mga madalas sabihin sakin ni papa… kahit na tuwing pasukan at madalang kami magkita, lagi nyang pinapaalala sakin na kumain na ako…. ahe…kahit busog pa ako, titikim ako ng kaunti…kahit medyo may kaalatan yung luto nya, or kung hindi naman, kulang sa sabaw….eh masasanay ka na rin…. si Papa, ang dakilang Ama…. very religious.. tuwing nasa kusina yan, asahan mong nakabukas ang radyo..at ang pinapakinggan, words of wisdom from God… nakakatuwang isipin na, sa dinami-dami ng pwede nyang isagot sa amin ni mama tungkol sa balak nya sa birthday nya ang sinabi nya,
MAGSISIMBA…
oh diba…akala ko tlga sasabihin nya, “kayong bahala or wala akong balak…” but that word, isang salita lang, nakaka-antig talaga ng puso…
nung wala pa ang mga kapatid ko, daddy’s girl talaga ako….spoiled ako ni papa ng 1%…syempre, takot ako kay mama!! hahaha..naalala ko nga, nung minsang nagkaaway kami ni mama, pinagtanggol ako ni papa…okay lang na magalit sa kanya si mama basta pinagtanggol nya ako…ayun, nagkaroon ng war sa bahay….pero nasolusyunan naman yun agad by me, saying sorry….. ayoko ngang magka-awayaway kami no!!!
kay papa ako unang kumukuha ng inspirasyon.. yun nga lang, ewan ko ba sa sarili ko kung bakit naka-ilang kasabihan na sya hindi pa rin ako natututo!! but like any dads out there, may bisyo din sya… mom changed him….hindi nya hinayaang masira ang family namin…ganun din si papa….
another question::
Ruthy (my little sister) asked him: Papa, sinong pipiliin mo? Ang magaganda (that’s us, the daughters) or mapopogi? (my brothers)???
aba…ang bilis ng sagot,
PAPA: ANG MATABA! (my mom)
ohhh diba…super duper love ni papa si mama.. :) naghaharutan man sila, ay nako!! basta wala nang kasunod si Kelly ok na!
i’m so happy 50 years old na si papa….GOLDEN nga ika…so blessed.. :) thank you po Lord! more birthdays to come!!